Para sa akin, ang pagkakaroon ng relihiyon ay dapat nasa sariling pasya ng tao. Ito ay isang personal na relasyon sa Diyos dahil ikaw lamang ang nakakaalam ng pagkaintindi mo sa Kaniya. Ang relihiyon din ay pagdiriwang ng paniniwala sa Diyos. Dahil dapat ikaw ang nagpasyang maniwala sa Diyos, ikaw rin ang nagpasyang gawin ang mga kinakailangan para mas unawain ang Diyos. Kaya natin pinag-aaralan ang misteryo ng kapangyarihan Niya at ginugunita ang misa bawat linggo.
Ngunit noong araw, ganito rin kaya ang pagkakaroon ng relihiyon, lalo na noong panahon ng Kastila rito sa Pilipinas? Bakit parang hindi ito ang pinapakita ng Manual de Confessionario?
At bocor sa gayong tantong pagsisiping ninyo. Sa ibang manga arao, at horas di cayo din nagbibiro, at nag-lalaro naming maralas?
At doon sa inyong pag-bibiroan dili din minsang nag-bubucang bibig lamang cayo, at cun minsan cayo, I, nagyayacpapan, at naghahalican, at nag-hihipoan din nang boo ninyong catauan, na ualan di hihipoin cayo?
At nilabasan caya ang catauhan mo nang marumi?
Pinalabasan mo naman ang caniya?
Nang binasa ko ang Manual, nahirapan kong tapusin ito hindi dahil sa nakasulat ito sa wikang Kastila, kundi dahil bumibigat ang aking pakiramdam. Mukhang ang layunin ng mga tanong ay malaman ang buong buhay mo; lahat ng detalye hanggang sa mga sikretong ayaw mong sabihin kahit sa pinakamalapit mong kaibigan. Napakaraming tanong subalit iisa lamang ang paksang nais malaman. Syempre, nakakasikip ng pakiramdam kung ito ang mga itatanong sa iyo.
Yaong galit mo sa caniya ay naparati caya sa loob mo? Magcano caya ang pagcalaluon? At gaanong pagcalalim niyong dalan loob mong masama sa caniya?
Mey nalason cang tauo, cun nagbabantang lumason sa alinman? Maca hungmatol cang lumason sa iba, cin casapacat ca sa gayong casamang gaua?
Ano caya ang banta mo doon sa paglason? Ybig mo caya na mamatay yaong nalason mo, cun magcasaquet lamang? At ynaano caya siya nang lason?
Swerte na lang ako at puwede akong huminto sa pagbabasa kung hindi ako komportable, pero dati ito ang mga tinatanong sa kumpisalan. Kailangan talagang sagutin ang mga ito; wala kang magagawa kundi iharap ang walang hiyang mukha mo sa kumpisalan. Iisa-isahin ang mga detalye ng buhay mo para lang masabi na nakausap mo ang Diyos at nakapag-kumpisal. Sa tingin ko naman walang masaya o nasasabik na pumunta sa kumpisalan noon, dahil magtitiis nanaman nila sa mga tanong na paanuman ay pumapasok sa isipan nila hanggang makuha ang tamang sagot. Ano ba ang tamang sagot? Dito papasok ang kapangyarihan ng mga prayle.
Malaki talaga ang impluwensya ng mga Kastila noong dumating sila rito. Binigyan nila tayo ng mga pagkakaabalahan tulad ng relihiyon para mas madali tayong sakupin. Mga prayle ang namahala sa mga barangay at parokya, at sila ang nagbigay ng mga naghalong legal na batas at batas ng Diyos. Sunod-sunuran naman tayong mga Pilipino at ito ang naging sentral ng ating buhay. Tumagal ito ng tatlong daang taon kaya nakaiwan na ng bakas sa atin ang ganitong klaseng pag-iisip, na ang lahat ay galing sa prayle, na galing sa kanila ang sagot para sa Kaligtasan. Kailangan natin sumunod dahil ito ang sabi ng mga prayle; sabi ng mga prayle mas lalapit tayo sa Diyos kapag ito ang gagawin; ‘wag galitin ang prayle dahil mapupunta ka sa impiyerno.
Dahil dito, hindi natin nakita ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng relihiyon, na ito ay isang personal na relasyon sa Diyos. Ang nangyari tuloy, itinayo galing sa takot at puwersa ang relihiyon para sa atin; kailangan pa tayong takutin at pilitin ng mga prayle sa kanilang sermon na gawin ang kinakailangan para “tanggapin” at “mahalin” tayo ng Diyos. Kailangan gawin ang lahat ng sinasabi ng prayle sa kaniyang sermon; kailangan sagutin ang lahat ng tanong para sa kapatawaran. Napabayaan natin ang mga prayle na patakbuhin ang buhay natin.
Makikita sa Manual ang kapangyarihan ng "relihiyon" noong araw.