Isa sa mga kasabihan ni Jose Rizal na inspirasyonal ay "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Pinapakita rito na ang mga bata ngayon ang magpapatakbo ng mundo sa hinaharap, kaya dapat palakihin sila nang mabuti. Ngunit kung mapapansin ay hindi direktang sinabi ni Rizal kung ano talaga dapat ang ituro sa kabataan upang ihanda sila sa mga suliranin ng buhay. May dalawang kaisipan na naghuhubog sa mga kabataaan ngayon: ang tradisyunal at ang makabago. Ano kaya mangyayari sa mundo kung isa lamang ang gagamitin? Dapat ba manatili ang mga tradisyunal na kaispian, o magpasok ng mga bagong kaisipan at maging mas malaya?
Kung ipagpapatuloy ang tradisyunal na kaisipan, maaaring hindi umusbong ang mundo dahil ginagamit pa rin ang mga lumang ideolohiya. Ang paniniwala sa kahapon ay maaaring hunadlang sa pagharap ng bukas. Tulad ito ng mga ilang taong sawi sa pag-ibig na ayaw magmove on; lagi na lang silang nagmumukmuok at malungkot. At saka sa panahon ngayon, mahirap isanay ang kabataan sa mga makalumang pag-iisip. Ito ay sa pamamagitan ng paghahanap ng tulang tagalog at kantang tagalog para sa takda. Nahirapan akong makahanap ng mga tula samantala maraming kanta na pagpipiliin sa internet. Ito rin ay dahil nawawalan na ng saysay ang ilang mga bagay paglipas ng panahon. Kaya kahit ipilit sa amin ang ganitong pag-iisip, lahat ito ay walang kabuluhan.
Kung puro makabagog ideya ang gagamitin para sa hinaharap, baka hindi rin umusbong ang mundo dahil lagi na lang may pagbabago. Wala nang panahon para umupo, magpahinga at pag-isipan ang mga bagay nang mabuti dahil lagi na lang may bagong kaisipian na ipinapasok. Sa ganitong kasanayan, magiging dynamic ang lipunan, subalit maaaring hindi na makilala ang identidad ng isang tao o ng isang bansa. Kahit marami at iba-iba ang mga kaisipang ito dahil sa dami ng taong may malaya at malikhaing isipan, mawawalan din ito ng halaga. Katulad ito ng pera; kapag masyadong marami ang nagagawa, napapababa ang halaga nito.
Ang sanaysay na ito ay hindi nagsasabi na basta itapon lang ang mga tradisyunal na kaisipan dahil ang ilan ng mga ito ay naging bahagi na ng ibang bansa. Halimbawa nito ang mga piyesta para ipagdiwang ang buhay ng mga santo dito sa Pilipinas. Hindi rin nagsasabi na wag na tumanggap ng mga makabagong isipan, dahil kailangan ng mga malilikhaing ideya para sa ikabubuti ng bansa. Para sa tunay na maayos na lipunan sa hinaharap, kailangan ng pantay na bahagdan ng parehong kaisipan para ihubog sa ating mga kabataan.
Para sa karagdagan ng kasabihan ni Rizal ang madalas na payo ng mga doktor ukol sa pagkain: "Take everything in moderation."